Paslit napisak sa truck

Isabela–Mistulang kamatis na napisak ang isang batang lalaki makaraang masagasaan ng humaharurot na dump truck, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktimang si Wilfredo Aglugob, 3, residente ng Purok 3, Brgy. Rizal, Cauayan City.

Nasa kustodiya na ng Cauayan City Police ang driver ng Fosu dump truck na kinilalang si Michael Mangaoang, 46, residente ng Del Pilar, Alicia, Isabela.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa highway ng Brgy. Rizal, Cauayan City.

Lumabas sa imbestigasyon na naglalakad ang bata nang masagasaan ng truck na may kargang grava. Namatay noon din ang bata.

Tatakas sana ang driver ng truck pero nahuli agad siya, Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments (0)
Add Comment