Update sa performance reward sa ilalim ng ‘Lateral Attrition Law’

Nato Reyes/BOCEA Public Information Officer
SA IMPORMASYONG nakalap ng BOCEA, humingi ang Bureau of Customs sa Bureau of Treasury (BTr) ng sertipikasyon ng opisyal na datos ng nakolektang kita (revenue collection) para sa taong 2021 (FY 2021).

Sumagot ang Bureau of Treasury noong ika-14 ng Marso 2022 na ayon sa kanilang opisyal na record ay may kabuuang ‘net tax collection’ ang Customs na ₱643,562,486,392.82, pagkatapos ibawas dito ang tax refund.

Muling humingi ng sertipikasyon ang BOC sa BTr noong Abril 4, 2023 para naman sa total na nakolektang kita para sa taong 2022 (FY 2022) at sinagot naman ito noong Abril 25, 2023 na may opisyal na nakolektang net tax collection ₱862,418,976,952.08.

Noon namang Mayo 13, 2024 ay sumulat naman ang BOC sa DBM (Department of Budget and Management) na humihingi naman ng opisyal na datos ng koleksyong buwis ng BOC sa taong 2021, 2022 at 2023.

Ang hiling ng mga kawani sa BOC ay sana maibigay na kaagad ang reward sa taong 2021, 2022 at 2023 dahil ito naman ang nakasaad sa batas.

Sinagot ng Sekretarya ng DBM na sya ding Pangulo ng DBCC o Development Budget Coordination Committee na hindi nito maaaring ibigay ang hinihinging sertipikasyon para sa mga nasabing mga taon sa dahilang sa ilalim ng inamyendahang patakaran o alituntunin (amended rules) ay hindi ang DBCC ang may obligasyong magbigay ng sertipikasyon ng kabuuang kinita sa koleksyon ng BOC para sa pagbibigay ng gantimpala (reward) at insentibo (incentives) para sa mga kawani ng BOC sa ilalim ng Lateral Attrition Law (RA 9335).

Ayon sa Sekretarya ng DBM may apat (4) na pagkakataon lamang para sa validasyon o aprubal ng DBCC at ito ay ang mga sumusunod: a) Post-Analysis – na dapat iprepara ng DOF at NEDA o DepDev para sa pagdetermina ng kabuuang kita na nakolekta ng ahensya; b) Certification of the Excess Revenues Collection Target-ng BOC at BIR sa taong 2021, 2022 at 2023, bilang basehan ng halaga na mapupunta sa RIF o Revenue Incentive Fund para sa gantimpala (reward); c) Expenditure Plan na dapat isumite ng BOC na magsisilbi namang basehan para sa pagtatabi at pagbibigay ng RIF sa  BOC; at d) Distribution Plan na isusumite ng BOC para sa reward.

Inirerekomenda ng DBM na ang BOC Revenue Performance Evaluation Board (BOC RPEB) ay gumawa ng daloy ng proseso (process flowchart) para mapabilis at mapaikli ang proseso at pag-apruba ng reward sa ilalim ng LAL.

Ang hiling ng mga kawani sa BOC ay sana maibigay na kaagad ang reward sa taong 2021, 2022 at 2023 dahil ito naman ang nakasaad sa batas.