Isumbong kay Commissioner!

ISANG masayang araw sa lahat ng ating mambabasa at nawa’y nasa ligtas at mabuti kayong kalagayan. Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina:  Ma. Theresa Yasuki, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose.

Lorna Pangan Tadokoro, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFWs natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

***

Sa kagustuhang higit pang mapaganda ang serbisyo sa Aduana, iba’t ibang programa at proyekto ang ipinatupad ni Commissioner Ariel Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC).

Ngayon nga ay gustong malaman nang mabilisan ni Commissioner Nepomuceno ang mga reklamo, suhestiyon at ibang concerns ng waterfront stakeholders.

Kaya ilulunsad ng ahensya ang “Isumbong kay Commissioner,” ang official online platform ng BOC, isang ahensiya sa ilalim ng Department of Finance (DOF).

“It is designed to streamline, expedite and enhance the transparency of receiving and addressing public complaints and concerns related to customs services and operations,” ayon kay Comm. Nepomuceno.

Ang nasabing platform ay katulad ng “highly successful” na ‘Isumbong sa Pangulo’ ng Office of the President.

Libo-libong sumbong ang natatanggap ng“Isumbong sa Pangulo” mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Agarang naa-aksyunan ng mga ahensya ng gobyerno ang mga reklamong ito dahil may mga nakatutok na lingkod-bayan sa online platform.

Naniniwala tayo na ganyan ang gusto ni Commissioner Nepomuceno para malaman niya ang mga problema ng waterfront stakeholders.

Isa rin itong paraan para labanan ang graft and corruption sa Aduana.

Papalitan ng “Isumbong kay Commissioner” ang kasalukuyang BOC’s complaints e-mail (complaints@customs.grov.ph).

“All the complaints filed through the platform will be automatically endorsed to the Office of the Commissioner (OCOM), ensuring prompt evaluation and appropriate action at the highest level,” ayon sa BOC.

Ang “Isumbong kay Commissioner” ay isang “patunay” na ang ahensya ay “open to clearer, faster and more honest communication with the public.”

Kagaya ng sinabi ni Commissioner Nepomuceno, ang gusto nila ay marinig ang mga reklamo ng publiko para ma-aksyunan nila ang mga ito.

Ang kailangan lang, maiparating ng taumbayan ang kanilang mga hinaing.

Tama ‘yan! Kung hindi natin ipapaalam ang ating mga problema sa mga kinaukulan ay walang mangyayari.

***

Magsisimula na ang Christmas parties sa ibat-ibang opisina, pribado at pampubliko.

Makakalimutan na naman natin pansamantala ang marami nating problema, lalo na ang “rising prices ng lahat ng bilihin.”

Kahit maraming problema, huwag tayo mawalan ng pag-asa.

Ang importante ay malampasan ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang mga problemang idinudulot ng mga “destructive critics.”

Mabuti nga at “cool” si PBBM.

Para sa Pangulo, ang mahalaga ay makapag-silbi ng mahusay sa taumbayan, lalong-lalo na sa mga mahihirap sa buong bansa.

Pabayaan na lang niya ang mga kritiko. Huwag lang sila maging marahas dahil nandiyan naman ang mga batas natin.

Puwede naman silang mag-protesta, Pero daanin lang nila sa mapayapang paraan.

Ibang usapan na kung gagamit sila ng dahas para makamit ang kanilang mga balak.

Hindi inutil ang gobyerno. May mga ligal na paraan para sila mapanagot.

Hindi ba, DILG Secretary Jonvic Remulla ng Cavite?

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)