Banner Before Header

Olongapo Chief Prosecutor pinuri

6,520
NITONG Biyernes, Abril 25, nakapanayam ng midya sa harapan ng Korte Suprema si Monalie ‘Alie’ Dizon, secretary general, ‘Coalition Against Corruption’ at ‘Kilusang Pagbabago National Movement for Change’ na kilalang ‘allergic’ sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno.

Personal na dinala ni Alie ang kanyang ‘letter of support’ kay CJ Alexander Gesmundo hinggil sa inilabas na ‘public notice’ ng SC na mag-ingat sa mga pekeng ‘court orders’ at iba pang utos na hindi naman talaga galing sa mga korte para makaiwas sa ‘extortion.’

Sa napanood natin, personal din na pinuri ni Alie si Olongapo City Chief Prosecutor Charlie Yap, dahil aniya sa integridad at propesyunalismo nito.

Bakit naman hindi? Agaran kasing “binitiwan” ni Yap ang kontrobersiyal na kasong ‘rape of a minor’ na isinampa laban sa isang Taiwanese locator sa Subic Free Port.

Dalawa sa kanyang tauhan, sina Deputy City Prosecutor Ria Niña Sususco and Associate Prosecutor Lilia Elizabeth Hinanay-Escuso, ang inireklamo sa DOJ nang pagiging ‘bias’ laban sa akusado at paggawa ng mga hakbang na sumira sa kredibilidad ng kanilang opisina.

Bakit nga naman kasi mas nauna pang nakakuha ng kopya ng ‘Affidavit’ ng umano’y “biktima” ang mga kasapi ng midya– na agad naman nilang ibinalita, bago pa man nakakuha ng ‘summon’ ang nasabing negosyante mula sa Piskalya upang masagot ang bintang.

Sadya bang “nagkamali” sa ‘address’ ang Piskalya o “sinadyang magkamali?”

Sa regulasyon kasi, kung walang sagot ang inireklamo, “swak” siyang maisyuhan ng ‘warrant of arrest.’

Sa kanya namang ginawa, ipinakita ni Yap na hindi siya kunsintidor at pangalan at kredibilidad ng ‘Olongapo City Prosecutor’s Office’ ang higit na mahalaga sa kanya.

Sa sumabog na kontrobersiya, naniniwala tayong sadyang walang alam si  Prosec. Yap sa mga nangyari.

At dahil pumapanig sa katotohanan, wala rin siyang balak na “pagtakpan” ang kanyang mga tauhan, sakaling may batayan ang mga bintang sa kanila.

Bagaman saglit lang tayong nakapaglingkod sa gobyerno, nakadagdag ang ating karanasan upang “makilatis” ang kakayahan ng ating mga piskal na mahalagang “kabalikat” natin noon sa pagresolba sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa buhay at karapatan ng mga nasa midya.

Hindi pa natin nakasalamuha si Chief Prosec Yap pero walang dahilan upang pagdudahan ang mga magagandang komento na narinig natin patungkol sa kanya.

Mabuhay ka, Prosec Yap at marami pang katulad mo!

Ayos ba, PG Richard Fadullon at SOJ Boying ‘Bossman’ Remulla?

Comments are closed.