MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa Japan at Oman. Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan. Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata. Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Mabuhay kayong lahat!
***
May kahirapang pagilin ang “highly profitable” na “smuggling business,” lalo na sa isang bansang katulad ng Pilipinas na maraming isla.
Naipapasok ng mga ismagler ang mga kontrabando sa mga lugar na hindi nababantayan ng mga otoridad dahil sa kakulangan ng manpower at material resources ng gobyerno.
Ang ibang puslit na kargamento ay nakalulusot naman dahil sa tinatawag na “technical smuggling” sa mga ports of entry sa tulong naman ng iilan na tiwaling lingkod-bayan.
Pero ang maganda ngayon ay higit na pinaigting ng Bureau of Customs (BOC), sa pangunguna ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang intelligence gathering efforts ng ahensya.
Ito naman ay alinsunod sa direktiba ni PangulongFerdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na kailangang malaman kung saan dinadala ang mga kontrabando.
Sa tulong ng partner-agencies ng BOC, na kagaya ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at local government units, ay nasasakote ng gobyerno ang mga kontrabando.
Ito ngang nakaraang linggo ay nagsagawa ng enforcement operations ang mga operatiba ng BOC sa isang warehouse o bodega sa Valenzuela City.
Dito natagpuan ng mga taga-CIIS at ESS ng Manila International Container Port (MICP) ang assorted counterfeit perfumes at cosmetic products.
Ang mga pekeng pabango at cosmetic products ay nagkakahalaga ng P705 milyon, ayon sa initial report ng BOC.
Ang mga pekeng luxury-inspired perfumes ay may mga tatak ng iba’t ibang international brands.
****
Sa loob ng halos apat na dekada ay nananatiling committed ang Enforcement Security Service (ESS) ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang tungkulin.
Ang ESS ay ang pangunahing opisina ng BOC na nagpapatupad ng batas at nagbabantay sa ating mga hangganan (border protection).
Specifically, ang trabaho ng mga taga-ESS, na matagal na pinangunahan ni outgoing Director Isabelo Tibayan III, ay nagsisiguro ng seguridad laban sa ismagling sa mga pantalan at paliparan sa buong bansa.
Kaya naman sa 38th founding anniversary ng ESS noong Abril 6 ay pinarangalan ni Commissioner Nepomuceno ang mga “dedicated men and women in ESS uniform.”
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Nepomuceno na ang ESS, sa guidance ni Depcom Nolasco K. Bathan, isang retiradong police general at Director Isabelo ‘Butch’ Tibayan, ay nananatiling tapat sa kanilang tungkulin.
Ayon kay Nepomuceno, sa tulong ng ESS ay nagagawang masakote ng BOC ang illegal drugs, illicit cigarettes at puslit na produktong agrikultura.
Si outgoing ESS Director Tibayan ay nagsilbi ng mahigit 39 years sa BOC.
Inatasan din ni Nepomuceno ang Depcom for Internal Administration Group at Depcom for the Enforcement Group na pag-aralan kung paano lalong “ma-enhance ang career development and professional growth ng mga taga-ESS.”
Kaisa ang kolum na ito sa pagbati ng “Happy 38th founding Anniversary” sa mga kaibigan natin sa ESS!
***
Bakit hindi na lang sagutin ni VP Sara ang mga akusasyon laban sa kanya?
Tutal ang impeachment ng isang impeachable official ay isang numbers game sa House of Representatives at Senado.
Ang problema, napakaraming dilatory tactics ang ginagamit ng kaniyang kampo.
Ang taumbayan ay naghihintay ng kasagutan ni VP Duterte sa mga akusasyon laban sa kanya.
(Para sa komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email: philipreyes08@yahoo.com)


Comments are closed.