Banner Before Header

Commissioner Nepomuceno, kinilala trading community

17
MALIGAYANG araw sa ating mga taga- subaybay. Binabati natin ang mga kabayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Patricia Coronel,  La Dy Pinky, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi,  at  Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia. Mag-iingat kayo diyan. God Bless sa inyong lahat!

***

Patuloy na pinagbubuti ng Bureau of Customs (BOC), ang mga programa sa revenue generation, transparency, accountability at trade facilitation.

Sa unang anim na buwan ng taon (January-June), nakakolekta ang BOC ng taxes at duties na mahigit na P491 bilyon. Ito ay mas mataas ng mahigit P11 bilyon kumpara sa collection target nito.

Sa totoo lang, marami ang naniniwala na on the way para maging world-class ang customs service sa Pilipinas.

Para naman kay Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang magandang performance ng BOC ay dahil sa “partners in the waterfront.”

Kasama na dito ang importers, exporters at iba pang stakeholders na nananatiling committed sa layuning mapaganda ang serbisyo sa Aduana.

Sa isang talumpati sa harapan ng mga miyembro ng Philippine Exporters Confederation (PhilExport), pinasalamatan ni Commissioner Nepomuceno ang mga bumubuo ng trading community.

Aniya, “the achievement (surplus collection) was achieved due to the collective efforts of the BOC and the trading community.”

“This achievement is not the BOC alone – it is a shared milestone made possible by every importer, exporter and stakeholder.”

Dagdag niya: “We sincerely thank you for being our partners in this journey. Together, we are building a Customs service that is more efficient, transparent, and responsive to the needs of trade.”

Sa mata ng waterfront observers, kasama na ang mga miyembro ng media, tama si Comm. Ariel.

Dapat talagang magtulungan ang Customs stakeholders at mga lingkod-bayan sa iba’t ibang ports of entry.

Lalo na ang mga importers, exporters at customs brokers na tinaguriang “eyes and ears” ng mga may transaksyon sa pantalan.

****

Ayon sa mga eksperto, iinit pa ang mundo dahil sa pagkawala ng mga punong kahoy at pagkakalbo sa mga kabundukan.

Sana, ipagbawal ang pagputol sa mga matatandang punong-kahoy, na karamihan ay acacia, kahit sa mga pribadong lupa.

Maraming centuries old trees ang pinuputol sa ngalan ng “progress and development.”

***

Dapat lang na bilisan ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Z. Duterte.

Pero kailangang masunod ang proseso para huwag sabihing inapura ang kaso.

Iwasan na ang “delaying tactics” dahil alam naman ng publiko ang mga nangyayari sa Senado.

Lalo lang magagalit ang taumbayan na matamang nanonood at nakikinig sa tinawag na “Trial of the Century.”

Dapat humarap mismo si VP Sara dahil ito ang gusto ng mamamayan.

Kung matapang siyang humaharap sa mga peryodista sa press conferences, dapat ganyan din ang gawin niya sa Senado.

Kung talagang wala siyang kasalanan sa mga bintang laban sa kanya, walang dahilan para hindi siya dumalo sa kanyang impeachment trial.

(Para sa komento at pagbati mag-text sa 09178624484/email: philipreyes08@yahoo.com).

Comments are closed.