Banner Before Header

Anak na si Frankie binantaang gagahasain, Shawie nagpatulong sa DOJ

0 1,194

By Franco Deocaris

MANILA — Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na lumapit sa kanilang tanggapan ang aktres na si Sharon Cuneta para papanagutin ang nasa likod ng bantang panggagahasa sa anak niyang si Frankie Pangilinan.

Ayon kay Guevarra, nagpahayag ang “Megastar” na maghahain ng kasong kriminal laban sa detractor ng 19-anyos dalagang anak.

Pinayuhan ni Guevarra si Cuneta na i-establish muna ang identity at kinaroronnan ng taong nasa likod ng post.

Pero mukhang nakalap na ni Cuneta ang pangalan, lokasyon at maging address ng employer ng naturang nagbanta sa anak nito, ayon kay Guevarra.

“Should Ms. Cuneta proceed to file a criminal complaint with the DOJ, we shall verify the respondent’s identity and address for the purpose of giving him notice,” sabi ni Guevarra.

Si Frankie ay anak ni Sharon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.
Naging laman ng mga balita si Frankie matapos siyang bumuwelta sa broadcaster na si Ben Tulfo ukol sa rape culture sa Pilipinas.

Leave A Reply