Banner Before Header

‘Chief Inquest Fiscal’ ng Maynila patay sa ambus

0 1,287
INAMBUS at napatay kaninang umaga ang ‘Chief Inquest Prosecutor’ ng Maynila.

Sa paunang ulat ni P/Lt. Col. Ariel Caramoan, hepe ng Station 5, Manila Police District, ‘dead on the spot’ ang biktimang si Fiscal Jovencio Aleman Senados,  62.

Lulan ng kanyang kulay-pulang kotse ang biktima ng habulin at tambangan ng mga suspek na sakay naman ng isang kulay-itim na SUV. Mabilis na nakatakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Hindi naman nasaktan ang drayber ni Senados na kinikilang si Fergie S. Bares.

Nabatid pa na ang dalawa ay residente ng Villa Palao, Bgy. Banli, Calamba City, Laguna.

Naging kontrobersiyal ang biktima noong isang taon matapos magdesisyon na palayain, o ‘release for further investigation,’ ang apat na suspek na nahuli ng MPD sa pagpatay kay Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III.

Nangyari ang pamamaslang kay Yuson sa Maynila noong Oktubre 9, 2019.

Ayon sa mga impormante ng Pinoy Exposé, tahimik na iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) si Senados dahil sa kontrobersiyang nilikha ng kanyang desisyon sa kaso ni Yuson.

Sa kabila nito, kanina ay naglabas na rin ng pahayag si DOJ secretary Menardo Guevarra kung saan inatasan ang ‘National Bureau of Investigation’ (NBI) na imbestigahan ang pagpatay kay Senados (updated: 6:35pm, July 7, 2020)

Leave A Reply