Banner Before Header

Kudos sa ‘MICP Team’ at kay Collector Rizalino Torralba

2,293
KUNG “kampante” o inaakala ng mga damonyong ismagler ng iligal na  droga na makalulusot sila, ‘No way!  “Masasakote” kayo ng ng masisipag at matatapat na opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BoC), lalo na at mahigpit ang utos ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sugpuin, hulihin at parusahan ang mga drug traffickers.

Isama pa dito ang masigasig at bagong Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, na handang tumulong upang tapusin na ang lagim at perwisyong dala ng iligal na droga sa buhay at kinabukasan ng pamilyang Pinoy.

At pinupuri natin ang mga opisyal at tauhan sa mga pantalan at paliparan, kasi ang sisipag nila. Hindi nila tinitigilan ang mga walanghiyang illegal drug traffickers, masasabat, malalambat sila, kahit saan man sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Gusto nyo ng “sampol” ng masigasig na kilos kontra iligal na droga ng BOC? Noon lang Hulyo 14, mahigit P300 milyong halaga ng shabu ang nalambat sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Noon namang Hulyo 17, isa pang malaking bulto ng shabu, aabot sa P749 milyon ang halaga, ang nahuli ng tropa ni Manila International Container Port (MICP) Collector Rizalino Jose Torralba.

Itinago ng mga demonyong ismagler ang droga sa loob ng Balikbayan Boxes.

Hmm. makakalusot ba sila sa tropa ni Collector Torralba? Again, no way!

Kung nakalusot, ilang libong pamilyang Pilipino na naman ang malululong sa bawal na gamot, partikular na sa hanay ng ating kabataan at kasunod nito, paglawak ng kriminalidad na parehong “salot” sa ating lipunan.

Kaya, ‘Good Job’ sa mga tauhan ni Collector Torralba.

Sa ganang atin, tama lang na mabigyan ng commendation ang tropang MICP sa pamumuno ni Coll. Torralba dahil sa kanilang katapatan sa kanilang tungkulin.

At siyempre, pinagunahan ni Commissioner Nepomuceno ang inspeksyon ng umano’y ‘consolidated shipment’ nakapaloob sa isang ‘1X40-footer container van.’

Mulis, “kudos” Coll. Torralba at sa iyong mga tauhan sa MICP.

‘Keep up the good work and more power,’ mga Bossing! Salute!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.