BABALA sa mga tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa buong bansa!
Tigilan na ninyo ang mga ginagawang ninyong katarantaduhan bago kayo mahagip ng latigo ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Hindi lang kayo hihiyain ni ‘Comm. Nepo’ kahit ikaw pa ay mataas na opisyal!
Tatanggalin na kayo sa serbisyo pagkatapos ng isang ‘full-blown investigation,’ kakasuhan pa kayo sa korte para makulong.
Nito ngang nakaraang linggo ay ni-relieved ni Sir Ariel ang siyam na personnel sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sila ay sangkot daw sa napabalitang kaso ng extortion sa nasabing terminal.
Tanggal muna sila sa kani-kanilang puwesto habang nagsasagawa ng imbestigasyon ng Internal Inquiry and Prosecution Division (IIPD) ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS).
Hindi lang ‘yan. Agaran din na nagpatupad ng 24-hour reporting policy si Comm. Nepo para makasiguro ng “immediate action on personnel misconduct.”
“We take this matter seriously and there will be no leniency for personnel who abuse their position,” diin ni Sir Ariel. Dagdag pa niya: “Any form of misconduct will be met with immediate and appropriate action.”
Nag-isyu din ng memorandum ang BOC chief sa mga matataas na opisyal ng ahensya.
Ang memorandum ay nag-uutos sa mga opisyal na ito para mag-report kanya sa loob ng 24-oras pagkatapos ng ano mang insidente ng katiwalian.
Dapat isama sa kanilang ulat ang ‘spot or incident report’ at mga kaugnay na dokumento at ebidensiya.
Sakop ng kanyang utos ang lahat ng mga opisyal, kawani at iba pang mga stakeholders ng Aduana.
***
Ibang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nasaksihan ng taumbayan sa SONA niya noong nakaraang Lunes, Hulyo 28.
Palaban ang nakita nating Pangulong Marcos, na kilalang sobrang mabait na lingkod-bayan.
Sa sobrang galit niya sa mga mandurugas ay nasabi niyang “MAHIYA NAMAN KAYO.”
Ang pinatatamaan niya ay ang lahat ng mga taong sangkot sa mga palpak na ‘flood control projects’ ng gobyerno.
Nasaksihan kasi mismo ni PBBM ang malawakang pagbaha sa mga lugar na dinalaw niya kamakailan.
***
Sana naman, tumulong ang mga opisyal ng mga barangay sa pagbabantay sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa panahon ng tag-ulan.
Sila kasi ang nakakakita sa mga nangyayari sa komunidad.
Hindi kayang bantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang buong bansa.
Kulang sila ng field personnel para bantayan ang lahat ng pamilihang bayan at pribadong merkado.
Tama ba, Pangulong Marcos at DILG Secretary Jonvic Remulla?
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)


Comments are closed.