MAPAGPALANG sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng mundo. Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan,La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre, ang patuloy na nakaalalay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia. Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
God Bless!
****
Sa nalalabing tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay kailangang gumamit na ng kamay na bakal si Pangulong Bongbong Marcos.
Sa kanyangg likas na kabaitan, inaakala tuloy ng ilan na siya ay “weak President.”
Sa totoo lang, marami ang umabuso sa kanyang kabaitan.
Pati mga inakala niyang mga tunay na kaibigan at kapanalig ay nakipagsayaw sa mga taong gustong magpabagsak sa administrasyon.
Mabuti na lang may mga taong tunay na nagmamalasakit kay Pangulong Marcos.
Ito’y pinangungunahan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. at mga kasama sa Kongreso.
Kaya nga hanggang ngayon ay full support pa rin ang House of Representatives sa mga programa at proyekto ng administrasyon.
Pero habang lumalapit ang katapusan ng six-year government ni Pangulong Marcos ay kailangan na siyang maging “strict but fair.”
Kung may paglabag sa mga batas natin, kailangang kasuhan sa korte.
Pero huwag natin gayahin ang ginawa ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Noong drug war ni Duterte ay hindi hinuli ang mga pinagsususpetsahang drug pusher at drug addict.
Pinalabas na sila’y lumaban kaya sila pinatay.
‘Yan ang dahilan kung bakit nakakulong ngayon si Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague. Nahaharap siya sa kasong“crimes against humanity.”
Kung ma-convict siya sa mga kasong ito ay mabubulok siya sa detention facility ng ICC.
Habang nililitis si Duterte sa ICC ay kailangang mamuno si Pangulong Marcos “with iron fist” dahil iba ang mga kalaban.
Kailangang turuan ng leksyon ang mga mapaminsalang kritiko ng administrasyon.
Okay lang ang maging kritiko ng administrasyon kung nasa tamang lugar.
****
Inuulit natin. Ang mga kaso sa ICC ay isinampa ng libu-libong Pinoy na karamihan ay mga kamag-anak ng mga napatay sa madugong drug war ni Duterte.
Ang ICC ay nagsisilbing husgado kasi wala silang nakuhang hustisya noong nasa Malakanyang si Duterte.
Sa tingin natin ay dapat tulungan ng gobyerno ang mga biktimang ito kahit na hindi na tayo miyembro ng ICC.
Hindi makatarungan kung ipagwalang bahala ang nga kaso dahil lang umalis na tayo sa ICC.
Huwag nating kalimutan na ang mga pribadong abogado ng mga biktima ay “pro-bono” ang serbisyo.
Hindi ba puwedeng tumulong ang pamahalaan sa kanila dahil nagbabayad naman sila ng buwis?
Ang akala ng marami ay hindi Pilipino ang kalaban ni Duterte sa ICC.
Karamihan ng mga biktima ng drug war ni Duterte ay inosente at mga mahihirap sa depressed areas sa bansa, kasama na ang Metro Manila.
Anong say ninyo, Justice Secretary Jesus Boying Remulla?
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa # +63 9178624484/email: philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)


Comments are closed.