Banner Before Header

“Utak-Iskwater” na si Isko, babalik na sa Cityhall

17
WALA kasing matinong programa de gobyerno si Ate ng Manila Cityhall, kaya ang atake ng mga aso niya — personalan na, character assassination na.

Ang “akala” siguro ni Manila third district Cong. Joel Chua, maaapektuhan si Francisco “Yorme Isko Moreno” Domagoso sa panghahamak niya na “utak-iskwater” si Isko? No way.

Sa kanyang ginagawa, hindi nakapagtataka na tawagin si Cong. Chua na ‘Chihuahua’ — na insulto sa nasabing asong na cute, maamo at mabango.

Yung distrito mo, Chua ang asikasuhin mo at baka sa Mayo 12, sa kangkungan ng estero ka pulutin, kasi, wala nang natutuwa sa iyo.

***

At ano naman kung utak-iskwater si Yorme? Alam naman ng lahat na siya ay dating basurero, lumaki sa hirap, pero dahil sa sipag, sa pagsisikap, umangat at umasenso at naging alkalde, at muling magiging alkalde ng Maynila.

Bago naging “tagatahol” ni “Ate” si Chua, ‘never heard’ siya sa pulitika sa Maynila. At sino ang nagbigay daan sa kanya para magkapangalan? Si Yorme Isko.

Noong kumandidato si Joel na konsehal, si Yorme ang numero unong endorser niya, kaya nanalo, pati na ang kapatid nito, si Atty. Mary Grace Chua.

Laging nakabuntot si Joel kay Yorme noong tumakbo uling konsehal at kung hindi dahil kay Yorme, malabong naging konsehal ulit si Joel. Samantala, si Mary Grace, kinuha pang opisyal ni Yorme sa Cityhall nang bumaba na itong konsehal.

Kanino rin ba “nagpasaklolo” si Chua nang tumakbong kongresista? Hindi ba sa “utak-iskwater” na si Isko?

At ngayong mambabatas na “Superyabang,” feeling untouchable, kaya tama ang kasabihan ng matatanda, ugaling ahas ang isang tao na kumakagat sa taong nagpalaki sa kanya.

Nang magdeklara si Yorme na muling tatakbong mayor, ‘anlakas ng loob ni Chua na tawagin siyang “traydor.”

Oops! “Sino” ba ang nagtraydor sa mamamayan ng Maynila — si Isko o si Ate ng Cityhall na hindi itinuloy ang magagandang programang iniwan noon ni Yorme sa siyudad?

Ang bantot ng paligid ng Cityhall, ang Liwasang Bonifacio, ang dumi, at ang gulo ng palakad sa mga public hospital na pinaganda ni Isko, pinaayos ang mga pasilidad para makapagbigay ng pinakamahusay sa serbisyo.

Mga Manilenyo ang may gusto na bumalik si Yorme sa Cityhall. Bakit? Kasi nga hindi maganda ang pamamamalakad ni Ate! Simple lang hindi ba?

Ano ang sinasabi patungkol kay Ate: “palpak” daw, naturingang doktora at hepe ng Manila Health Center ang asawa, aba, ang serbisyo sa mga ospital, masagwa!

May ospital nga, wala namang gamot, walang maayos na serbisyo. Sino ang hindi mababagabag ang puso sa hiyaw at sa daing ng mamamayan na bumalik na lang si Isko sa Cityhall.

Hindi lang taga-Maynila ang gustong magbalik si Yorme, pati ang mga taong may nilalakad sa Cityhall, kasi ang hirap daw mag-ayos ng mga permit, at kung ano-ano ang pasikot-sikot na dadaanan, at upang mapadali, kailangan nang “magpadulas!”

Para sa atin, ang utak-iskwater na si Isko ang magbabalik sa totoong gobyernong magsisilbi sa Batang Maynila.

Ano naman kaya ang gagawin ni Chua pagtapos ng eleksyon sa Mayo 12? Tatahol pa ba o “uungol” sa hindi mapigilang pag-iyak dahil si Ate ay mag-eempake na palabas ng Cityhall?

Ilang araw na lang at malapit na ang katubusan, mapapawi na ang kalbaryo ng pahihirap ng mga Manilenyo.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.