Banner Before Header

Dalawang bagong DepCom sa BOC

7,174
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia,  at ibang panig ng daigdig. Nawa’y naging payapa at makahulugan ang pagdiriwang nating lahat ng Semana Santa.

Binabati natin sina: Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at siyempre ang nagmamalasakit sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata. Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman at si Dolores Montero ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan. God Bless sa inyong lahat!

****

May dalawang bagong Deputy Commissioners (Depcom) ang Bureau of Customs (BOC).

Ito ay sina Deputy Commissioners Ronnel Hombre at Michael Fermin, mga dati na ring director ng BOC, ayon sa Malakanyang.

Pinalitan ni Depcom Hombre sa MISTG (Management Information System and Technology Group) si Allan Geronimo, samantalang si Fermin ang pumalit kay Erwin Mendoza sa IAG (Internal Administration Group).

Ang kanilang appointment papers ay pinirmihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr noong Abril 10 (Huwebes).

Ang pagkaka-appoint kina Hombre at Fermin ay inaasahang makatutulong ng malaki sa BOC upang ma-meet nito ang mga goals sa taong ito.

Ang BOC na pinamumunuan ni Commssioner Bienvenido Y. Rubio ay siyang pangalawang pinaka-malaking revenue-generating agency ng gobyerno.

Sa taong ito ay naatasan ng gobyerno, sa pamamagitan ng DBCC, na mangolekta ng mahigit isang trilyong piso.

Marami ang naniniwala na kayang kolektahin ng ahensya ang nasabing buwis at taripa.

Ito ay sa kabila ng maraming challenges na kakaharapin ang bansa pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 12.

****

Panahon na para ipaliwanag na mabuti sa taumbayan na walang pakialam ang gobyerno sa mga kaso ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte saInternational Criminal Court (ICC).

Ang naglalaban dito ay sina dating pangulo Rody Duterte at ang libu-libong mamamayang Pinoy na naging biktima  umano ng madugong war on drugs ni Duterte.

Walang pakialam ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Hindi na nga tayo miyembro ng ICC dahil umalis sa nasabing korte nang panahon pa ni Duterte.

Nangyari ang nasabing “crimes against humanity” noong alkalde sa Davao at nasa Malakanyang pa si Digong.

Ang kaso ni Digong at kasama sa The Hague ay labanan ng mga Pilipinong naghahanap ng hustisya at mga taong inakusahan ng murder.

Pabayaan na lang nating gumulong  ang hustisya sa ICC dahil maraming problemang kinakaharap ang ating bansa.

Nandiyan ang kahirapan, kagutuman, kawalan ng trabaho, tumataas na presyo ng  mga bilihiin, lumalalang climate change, at iligal na droga.

Hayaan na lang natin ang mga abogado ni dating Pangulong Duterte at mga biktima ng ‘War on Drugs’ na magsalpukan sa ICC.

Bahala na ang mga hurado ng ICC na humusga kung may kasalanan si Duterte at iba pang makakasuhan.

Ituon na lang ng gtobyerno ang pansin sa mga problema ng bansa.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)

Comments are closed.