GMA-7 reporter Joseph Morong ‘nabuking’ sa gay porn

0 5,852
Manila, Philippines – Trending ngayon si Joseph Morong at usap-usapan kung ano ba ang “tunay niyang kasarian” matapos niyang hindi sinasadyang “maibuking ang sarili” sa Twitter post nitong June 15.

Nai-post kasi ng GMA reporter at miyembro ng Malacañang Press ang kanyang selfie katabi ang laptop pero ang kanyang pinapanood ay gay porn kung saan ay nagtatalik ang dalawang lalaki.

Nangyari ito habang hinihintay niya ang bagong anunsyo o desisyon ni President Duterte hinggil sa COVID-19 quarantine protocols na ipatutupad sa National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa.

Hindi siguro napansin ni Morong sa kanyang selfie picture ang screen ng kanyang laptop na nagpapakita sa isang gayporn na marahil ay paborito niyang panoorin.

Kaya naman hindi nakaligtas sa matalas at mapanuring mata ng mga nasa mundo ng “kabaklaan” ang selfie ni Morong.

Ang sabi nga nila, nabuking ang hitad.

Kung hindi pa sinabi ng kanyang followers na nag-pop up sa laptop screen ang litrato ng gayporn video, hindi niya ito malalaman.

Natatawa lang si Morong sa paglaki ngayon ng isyung “nabuking” siya na mahilig sa gayporn pero humingi na siya ng paumahin sa kanyang Twitter followers.

“So embarrassing. Bawasan ko na kaya fina-follow ko? Hahaha un malilinis at busilak na lang haha joke lang but sorry about that,” ang pakli ni Morong.

“Hahah sorry about that guys haha. You’ll never know what’ll show on your timeline LOL,” ang sabi n’ya pa sa Twitter.

May ilang judgmental pero mas marami ang natuwa at pumuri sa matapang at kalmanteng pagharap ni Joseph sa “nakahihiyang” sitwasyon na kanyang kinaharap.

Narito ang ilan sa mga pagpuri pa sa kanya:

“The gays love you, mahal na kita Joseph Morong.”

“It’s okay, normal naman iyan… it happens. Journ ka, pero tao ka pa rin.”

“Tawang tawa ako. It happens zer! Cute mo sarap kurutin at Hindi ka naman kulong beh.”

Sinasabing bagama’t hindi lantaran at walang pag-amin, hindi lang ito ang unang pagkakataon na natsismis si Morong hinggil sa kanyang tunay na kasarian.

Maraming nagpapayo kay Morong sa social media na kung nahihirapan na siya sa kanyang tunay na pagkatao, hindi naman anila nakahihiya kung ilalantad niya na isa siyang totoong Cinderella.

May nag-post na gayahin na rin umano niya si BB Gandanghari na dati ay ang guwapong-guwapo at machong-macho na si Rustom Padilla, utol ng Bad Boy ng pelikula na si Robin.

Leave A Reply