Banner Before Header

2 bata, 1 pa; patay sa sunog sa Antipolo

0 187

MANILA–Tatlo katao, kabilang ang dalawang bata, ang namatay sa isang sunog sa Barangay Bagong Nayon, Antipolo City nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Jenny Tabon, 38, Cyrus Andrei Geronimo, 7, at Clark Jade Cambronero, 3.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Antipolo, na-trap sa kanilang mga bahay ang mga biktima dahil sa laki ng sunog na nagsimula, pasado 4:00 ng hapon.

Naapula ang sunog mga bandang 5:30 na ng hapon.

Pasado 9:00 na ng gabi nang makuha ang sunog na katawan ng mga biktima.

Ayon sa BFP, nasa 10 hanggang 13 bahay ang natupok at nadamay ang isang maliit na pabrika.

Ang mga apektadong pamilya ay inilikas sa barangay at sa kanilang mga kaanak.

Inaalam pa ang sanhi at ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Leave A Reply