Banner Before Header

Bebot na sugapa sa alak, nangagat nang unahan sa pila sa tindahan

0 252

Valenzuela City–Amoy chico nang ibalibag sa selda ang isang senglot na bebot matapos manggulpi at mangagat dahil naunahan lamang siya sa pila sa tindahan para muling umiskor ng alak kahapon.

Nasa selda na ay hindi pa nahihimasmasan ang inarestong si Mary Claire Antonio, 24, ng 503 M. Urrutia St., Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.

Dinakip siya matapos kulatain si Jenevieve Caacbay, 20, ng Brgy. Arkong Bato at kagatin ang umawat na si Jerame Belda, 32, self-employed, ng Sagip St. ng nasabi ring lugar.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente bandang 5:45 p.m. kahapon sa isang tindahan sa M. Urrutia St., Arkong Bato.
Bibili umano ng makakain si Caacbay sa isang tindahan at naunahan sa pilang ipinatutupad para sa social distancing ang naglalaway sa tagay na si Antonio.

Nagalit si Antonio kaya sinimulang gulpihin ang biktima at kinalaunan ay sinakal pa.

Umawat naman si Belda ngunit tila asong nauulol na kinagat siya ni Antonio kaya umaksyon na ang ibang nakasaksi at pinigilan ang suspek.

Attempted homicide at paglabag sa ordinansa laban sa paglalasing ang haharaping kaso ni Antonio.

Leave A Reply