Banner Before Header

THE ₱300M QUESTION

11,052
MALAKING “sakit sa ulo” ang sitwasyon ngayon ng isang dating “bosing” sa Department of Transportation (DOTr) matapos ianunsiyo kamakailan ang pagkasibak niya sa puwesto.

Nangyari ang ‘Sibakan Blues’ nang bumalik sa DOTr si Secretary Vince ‘Boy Inspektor’ Dizon noong nakaraang buwan at malaman na “ayaw” pala sa kanya ni ‘Line Agency Chief!’

Ayon pa nga sa miron, ikinampanya pa nga nitong ating bida na ‘dun na lang si Sec. Vince sa DPWH at huwag nang bumalik sa DOTr. Oh yes, may ganern.

Ang siste kasi, matagal na palang palihim na “nangangampanya” itong si ex-DOTr Assistant Secretary sa loob ng Palasyo na alisin sa puwesto ang kaibigan niya na “bosing” din sa isa pang ahensiya ng gobyerno at “siya” ang ipalit sa puwesto!

Magkaibigan” sila dahil ang gusto niyang “tarakan sa likod” ang tumulong para makapuwesto siya sa ahensiya na kilala bilang ‘juicy position’ sa buong DOTr.

Pagbibida pa ng mga  miron, “nagtatagumpay” naman ang kanyang kampanya, patunay anila ang halos ₱300 milyon na nakulimbat, ehek, nakolekta, niya sa hanay ng mga ‘players’ sa ahensiya ng kanyang kaibigan na gusto niyang palitan sa puwesto.

Likas na magulang, ehek, matalino, ipinagbibida naman nitong ating bida na HINDI sa kanya ang nalilikom na salapi. Para umano ito sa mga “proyekto” ng isang makapangyarihang babae sa Malakanyang na kilala naman sa pagtulong sa mga sadyang nangangailangan.

Kaya lang hindi nangyari ang gusto niyang mangyari. Kamakailan lang kasi, inalis na sa puwesto ang kanyang kaibigan—pero hindi siya ang ipinalit, aguy!

Mas masakit pa nga, binabasa ninyo ito, wala na rin siyang trabaho sa isinagawang ‘revamp’ ni Secretary Vince sa mga ahensiya ng DOTr.

At ngayon, nga, marami umano sa mga players na nakumbinsi nitong ‘Mr. Boladas’ ang nagtatanong, naghahahanap kung nasaan na at paano na ang kanilang pera?

Malaking sakit nga sa ulo ‘yan!

Comments are closed.