MALIGAYANG araw sa lahat ng ating kababayan sa Japan at iba pang panig ng daigdig.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan. Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Endo Yumi, Hiroki Hayashi at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin sina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God Bless mga kabayan!
***
Noong Mayo 8 ay nakatuklas ang Bureau of Customs (BOC) ng P3.3 bilyong halaga ng iba’t ibang brand ng sigarilyo at raw tobacco materials sa isang container yard sa Mindanao.
Ang major inspection operation ay isinagawa ng BOC-Port of Surigao sa isang container yard sa Surigao del Norte. Tumulong sa inspeksyon ang Philippine National Police (PNP).
Ang mga sigarilyo at tabako ay loaded sa 54 container vans. Dalawa sa 54 container vans ay naglalaman ng raw tobacco materials.
Isinagawa ang operasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin pa ng BOC ang kampanya laban sa ismagling.
Ang shipping lines at consignees ng 54 container vans ay hindi nakapagbigay ng “proof of payment of duties and taxes, import permits at shipping documents.”
Dahil dito ay ipinadlock ang 54 container vans at binabantayan ngayon “24 hours a day” ng Customs Police, ESS District Office ng Port of Surigao at PNP.
Ang inspeksyon ay batay sa Letter of Authority (LOA) na inilabas ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
“The operation reflects our firm commitment to going after illicit tobacco shipments and ensuring that all imported goods entering the country are properly declared and compliant with customs laws,” sabi Nepomuceno.
Sinabi pa ni Commissioner Nepomuceno na patuloy nilang papalakasin ang kanilang “enforcement efforts and work closely with partner-agencies.”
Determinado ang gobyerno, sa pamamagitan ng BOC at partner-agencies nito na pigilan ang iligal na pagpasok ng mga produkto sa bansa.
Lalo na ang mga ipinagbabawal na gamot, na kagayang shabu, cocaine, marijuana at ecstasy, at produktong agrikultura.
Ang ismagling ng iba’t ibang agricultural products, kasama ang bigas, gulay isda, ay isa sa nagpapahirap sa ating mga magsasaka at mangingisda.
Hindi nabibili ang mga local agricultural products dahil mas mura ang mga puslit na gulay at isda.
Salamat at nandiyan ang mga opisyal at tauhan ng BOC at partner-agencies nito.
***
Ang dami na nating kababayan na nahihirapan dahil sa sobrang init ng panahon.
Malamang na ito na ang epekto ng lumalalang climate change hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ang magagawa lang natin ay mag-ingat sa mga sakit na usong-uso kapag panahon ng tag-init.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484; email: philipreyes08@yahoo.com.)


Comments are closed.