MANIGONG Bagong Taon sa lahat ng ating mambabasa, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Sana ay nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati rin natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Roana San Jose, Mama Aki, Yoshiko Katsumata, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
***
Kamakailan ay naka-intercept ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng limang unclaimed inbound parcels na naglalaman ng dangerous drugs.
Ito ay nagpapatunay lamang na epektibo ang ginagawang anti-illegal drug campaign ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa premier international airport ng bansa.
Ang kampanya ay sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB), at ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
Malamang na natakot ang mga ‘consignees’ ng mga naturang pakete kaya hindi na nila kinuha ang mga ito sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Pasay City.
Alam nila na mabubuking ng mga taga-BOC-NAIA, na pinamumunuan ni District Collector Yasmin O. Mapa, ang tunay na laman ng mga pakete.
Nagkakahalaga ng mahigit na P21 milyon, ang mga droga, na idineklarang iba-’t bang consumer items, ay binubuo ng shabu at high-grade marijuana o kush.
Ang shabu ay tumitimbang ng 2,928 na gramo (P19.9 milyon) samantalang ang marijuana ay may timbang na 997 gramo na nagkakahalaga ng Pl.4 milyon.
Pinapurihan ni Commissioner Nepomuceno ang pagiging “alisto” ng mga personnel ng BOC-NAIA.
“These interceptions reflect the bureau’s sustained efforts to detect and prevent the entry of illegal through postal and courier channels,” sabi pa ni Comm. Ariel.
“Through strengthened inspection measures and close coordination of partner agencies, BOC-NAIA continues to ensure that mail and cargo facilities are not exploited for illegal activities,” susog naman ni Collector Mapa.
Sa tingin natin ay magdadalawang isip na ang mga sindikato ng droga na idaan sa NAIA ang kanilang mga epektos.
Maliban sa mga x-ray scanning machines at mga ‘K-9,’ nandiyan pa ang mga ‘highly trained’ at ‘dedicated personnel’ ng BOC-NAIA.
***
Sa Miyerkules, December 31, “bisperas” na ng Bagong Taon.
Marami ang umaasa na sa pagpasok ng 2026 ay gaganda na ang ating ekonomiya para mapabilis ang pag-unlad ng bansa.
Marami tayong pinagdaanan na mga pagsubok sa pagtatapos ng 2025.
Nandiyan ang mga sunod-sunod na kalamidad na pumatay ng maraming buhay at nanira ng mga bahay, pananim at imprastruktura.
Ang iba nga, hindi pa nakakaalis sa evacuation centers, muling “binayo” ng bagong bagyo na sumira sa mga natitira nilang ari-arian.
At nandiyan din ang mga imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
Naniniwala tayo na ang lahat ng mga problema ay malalampasan natin sa susunod na taon.
***
Sa pagsalubong natin ng Bagong Taon, iwasan natin ang gumamit ng mga bawal na paputok at pyrotechnic devices.
Baka madisgraya pa tayo o makasakit ng ibang tao.
Ang maganda pa ay gumamit na lang tayo ng torotot at iba-pang pangpa-ingay na bagay na hindi nakasasakit para makaiwas na sa ospital natin salubungin ang 2026.
Tama ba, DILG Secretary Jonvic Remulla at Health Secretary Ted Herbosa?
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa: +63 9178624484).


Comments are closed.