Banner Before Header

‘Hell hath no fury…’

0 352

‘Hell hath no fury…”

BAGO ang lahat, “pasasalamat” sa Poong Lumikha dahil nakaligtas sa mas malaking pinsala ang malaking bahagi ng Luzon na “dinaanan” ng ‘ST Rolly’ at s amabilis nitong paglabas sa ating bansa.

Pakikiramay naman at pakikiisa sa ating mga kababayan na “nasentrohan” ng “bangis” ng bagyo, partikular na sa ‘Bicol region’ at ibang bahagi ng Calabarzon.

At huwag kayong mag-alala mga kabayan, dahil hindi nagpapabaya ang ating gobyerno ngayon at ang mas tamang tanong ngayon: “Nasaan si VP Lenie Robredo?”

***

Patuloy na maganda ang ‘tandem’ ng BOC at PDEA sa kampanya laban sa iligal na droga.

At ang “pruweba” nito ay ang matagumpay na ‘controlled delivery’ noong Biyernes, Oktubre 30, 2020, kung saan higit P1.6 bilyon ng shabu—higit 200 kilo—ang nabawi ng mga awtoridad sa 2 ‘Chinese nationals’ sa Cabanatuan City.

Ang insidente ang pinakamalaki—at pinakamatagumpay—na ‘controlled delivery operation’ ng PDEA at BOC sa ngayon; noong Disyembre 2019, 20 kilo rin ng shabu ang nakumpiska ng gobyerno sa NAIA.

Ayon naman kaya NAIA district collector, Mimel Talusan, ang pagkatimbog ng kargamento ay ika-42 na sa matatagumpay na operasyon ng NAIA sapul pa noong Enero.

Ang ganitong mga resulta, sabihin pa, ay dahil na rin sa “pinaigting” na kooperasyon ng BOC at PDEA, sa ilalim ni BOC Comm. Jagger Guerrero kung saan 2 ‘MOA’ (memorandum of agreement) ang nalagdaan ng dalawang ahensiya para lang masugpo na ang salot na ito.

***

Ayon naman sa mga  miron, may ilang buwan nang “binabantayan” ng BOC/PDEA ang pagpasok ng iligal na droga na manggagaling sa Malaysia, kung saan nga nangggaling ang nasabing kargamento.

Ahh, Malaysia na naman. Kung babalikan sa mga nakaraang pagdinig sa Senado, matatandaan na isa sa mga tanong na ibinato noon ng mga senador kay ex-BOC CIIS intel officer, Jimmy Guban, ay ang mga ginawa nitong “bakasyon” sa Malaysia—bago dumating at nakalabas sa BOC ang mga shabu na nabistong “nakatago” sa mga ‘magnetic lifters’ noong 2018 na natagpuan sa Cavite.

Hmm. Posible kayang ang nasabi pa ring sindikato ang nasa likod ng insidente sa NAIA o, ibang grupo naman?

***

Sa mga nailabas na larawan matapos ang operasyon sa Cabanatuan City kung saan nahuli ang dalawang Chinese nationals na tumanggap sa kargamento noong Biyernes, napansin natin na katulad ng mga shabu na nahuhuli sapul pa noong 2018, matapos ang insidente sa Cavite, lahat sila ay “nakabalot” sa mga ‘Chinese tea bags.’

Sa ganang atin, ang detalyeng ito ang nagdudumilat na “ebidensiya” na ‘andito na sa ‘Pina—higit 2 taon na ngayon– ang sindikatong ‘Sam Gor’ (The Company), na pinamumunuan ni ‘Tse Chi Lop’ na kilala rin bilang ‘El Chapo of Asia,’ ayon sa ‘special report’ ng ‘Reuters’ noong isang taon.

‘Trademark’ ni Tse, isang ‘Chinese-Canadian’ at kilala rin bilang ‘Brother Number 3,’ ang mga shabu na nakalagay sa mga ‘Chinese tea bags’—na siyang malalaking bulto ng shabu na nahuhuli ngayon dito sa ‘Pinas.

Sa ganang atin, hangga’t hindi “kinikilala” ng pamahalaan na ‘andito na sa ‘Pinas ang operasyon ng Sam Gor syndicate, hindi mababawasan ang problema natin sa salot ng iligal na droga.

***

Sa kabila ng mga ‘accomplishments’ ng BOC sa ilalim ni Comm. Jagger, hindi pa rin mabawasan ang mga bintang ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng ilang mga opisyal nito.

At bilang tugon sa panawagan ni Pang. Rody sa walang humpay na paglaban laban sa koraspyon (read: korapsyon partikular sa BOC, BIR at DPWH), sinabi ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap na ‘100 percent’ niyang suportado ang kampanya upang matigil na ang katiwalian sa BOC.

“Uunahin natin ang mga ahensyang may kinalaman sa pangongolekta ng buwis gaya ng Bureau of Customs.

“Matagal na panahon na sinasabing talamak ang corruption sa BOC pero binago ni Commissioner Guerrero ang imahe ng Bureau dahil sa mga repormang inumpisahan niya. Tutulungan natin si Commissioner Guerrero para hanapin ang anay sa ahensya, i-pinpoint ang mga tiwaling opisyal at linisin ang BOC.

“Hindi kayo untouchable,” ayon pa kay Cong. Eric, patungkol sa mga korap sa BOC.

“If you are doing corrupt practices, now is the best time to stop. Your time will come,” banta pa niya.

At marahil, ang unang dapat “gisahin” at ibulgar ni Cong. Eric ay itong isang opisyal sa Aduana na marami na ang “pikon” ngayon dahil sa anila’y pagiging “abusado” at “arogante.”

Ayon naman sa mga miron, “nauunawaan” nila ang masamang asal nitong si Mr. Official (translation: pagiging “matakaw” sa kuwarta) dahil masyadong ‘in love’ sa isang ‘ex-Japayuki’ na umano’y ginastusan pa niya ng husto ang ‘renovation’ ng resto-bar’ nito!

Aber, matagal na rin nating hindi “napapasyalan” ang nasabing resto-bar na isang “sigarilyo” lang ang distansiya sa POM at pang-uurot pa ng mga miron, “pasyalan” ko raw para makita ang malaking ‘improvements.’

Eh, ang inaalala natin dito, kasamang William Depasupil, “sobrang seloso” pala itong dating opisyal ng AFP dahil ‘two Fridays ago,’ anang mga miron, “nagwala” dahil sa matinding selos umano, ahahay!

Kumbaga, ‘hell hath no fury like a lover scorned,’ ganun ba yun, hehehe!

Aber, paano kung “ako” ang mapagselosan, eh, mahirap na, hindi ba? Lalo pa nga at hamak naman (daw) na mas matikas ako sa kanya, “patotoo” pa ng mga miron, hihihi!

Anila pa, para lang walang “pumiyok” sa mga “nabulabog” na mga kostumer at gumawa ng tsismis, aba’y “binayaran” ang kanilang mga ‘chit,’ wow!

Totoo kaya ito, ‘Atty. B?’

Si Atty. B ay dati ring opisyal ng BOC na kilala umano sa mga kabulastugan noong kanyang panahon sa ahensiya at “umano’y “dumukot sa bulsa” para bayaran ang ‘danyos perwisyos.’

Abangan!

 

Leave A Reply