ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki. Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at kay Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
***
“No match” sa gobyerno ang sindikatong nagpaparating ng mga iligal na droga sa bansa sa pamamagitan ng “postal and courier facilities.”
Kitang-kita ito sa mga ginagawang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa tulong ng partner agencies na kagaya ng Philippine Drug Enforcement (PDEA).
Mula Pebrero 3 hanggang 6 ay nakasakote ang BOC- Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga inbound parcels na naglalaman ng marijuana.
Mas kilala sa tawag na “kush,” nakapaloob ang mga ito sa 126 abandoned parcels sa NAIA, ayon kay District Collector Atty. Ma. Yasmin O. Mapa.
Ang serye ng interdiction operations sa nasabing airport ay isinagawa ng BOC sa tulong ng PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
Tumitimbang ng 37,968 grams, ang “kush” ay tinatayang nagkakahalaga ng P56.9 milyon.
Ang mga pakete ay idineklarang naglalaman ng mga ordinaryong consumer goods, na kagaya ng mga damit, magazines at mga household items.
Sa isang pahayag, sinabi ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, napakahalaga ang “sustained vigilance and sustained inter-agency cooperation” sa kampanya laban sa iligal na droga.
“We are denying the syndicates the opportunity to use our postal and courier channels to move illegal drugs into the country,” dagdag ni Commissioner Nepomuceno.
Sinabi naman ni Collector Mapa na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang operasyon laban sa pagpasok sa bansa ng mga kontrabando.
Kaya naman dumarami ang mga abandonadong inbound parcels, takot i-claim ng mga consignees ang mga ito dahil alam nilang may mga lamang prohibited items ang mga pakete.
***
Mabuti naman at hindi nagpapa-apekto ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nangyayaring bangayan sa politika sa bansa.
Alam kasi nilang kailangan na lagi silang naka-focus sa pangongolekta ng buwis at paglaban sa ismagling at korapsyon sa Aduana.
Hindi nila kailangang sumawsaw sa usaping politika dahil hindi naman ito kasama sa kanilang trabaho.
Dapat pabayaan nating magtrabaho ng husto ang mga kaibigan natin diyan sa Aduana na hindi pinakikialaman ng mga politiko.
Sa mga nakaraang panahon, madalas nagkaka-migraine ang mga opisyal at kawani ng BOC dahil sa pakikialam ng mga politiko na humihingi ng mga “pabor.”
***
Sa hirap ng buhay ngayon ay dapat namang makinig na tayo sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagbabago.
Huwag na nating pahirapan ang mga taong nanghihingi lang naman ng tulong sa gobyerno.
Hindi naman sila lalapit sa gobyerno kung wala silang kailangan sa mga lingkod-bayan.
Ang gusto ni Pangulong Marcos ay asikasuhin ng mga otoridad ang mga taong nangangailan ng tulong pinansyal.
Alam naman natin kung gaano kahirap ang buhay ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ang pagkain at medisina.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa +63 9178624484)


Comments are closed.