Banner Before Header

‘Non-traditional revenue strategy’ ng BOC nag-ambag ng ₱329.934 milyon buwis

5
MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan. Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan. Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Winger dela Cruz, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, at Hiroshi Katsumata. Ganun din kina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Nida Reyes, Dolores Monfero at Delia Sunga ng Saudi Arabia. God Bless sa inyong lahat!

***

Maliban sa pangongolekta ng buwis, taripa sa mga importasyon at iba pang bayarin, meron pang ibang lawful sources of income ang Bureau of Customs (BOC).

Ito ang tinatawag na “public auction” at “negotiated sale” ng mga kumpiskado at abandonadong shipments. Tinatawag din itong ‘non-traditional revenue strategy’ na epektibong nagagamit ngayon sa ilalim ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Mula Enero hanggang Mayo, nakalikom ang BOC ng P329.934 milyon mula sa public auction at negotiated sale ng forfeited at seized goods.

Kasama sa naibenta ang 13 sasakyan ng mag-asawang Discaya. Ang mga sasakyan ay naibenta ng P114,7444,884,15.

Ang kinita sa mga subasta at negotiated sale ay ni-remit ng BOC sa Bureau of the Treasury.

Ayon pa kay Commissioner Nepomuceno, “public auction and negotiated sale remain among BOC’s most transparent and accountable modes of disposing seized and forfeited goods.”

 “Hindi po napupunta sa personal interes ang proceeds…Ang mga ito ay government funds na dumadaan sa tamang proseso, mula sa opisyal na resibo, recording deposit, hanggang audit,” dagdag pa niya.

Tama naman si Commissioner Nepomuceno. Mahalagang malaman ng publiko na ang bawat pisong nakukuha sa auction ay accounted for at nagagamit ayon sa batas.

“Guided by its Integrity, Accountability, and Modernization (IAM) Movement, the BOC continues to uphold good governance in line with President Marcos’ directive for a more transparent, accountable and efficient government,” dagdag pa Nepomuceno.

***

Kamakailan ay pinangunahan nina Commissioner Nepomuceno at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang inspeksyon ng 26 containers na naglalaman ng mga sibuyas.

Si Senador Pangilinan ang chairman ng Senate Committee on Agriculture.

Ayon sa BOC, ang mga sibuyas na tumitimbang ng 650,000 kilograms ay inabandona ng consignee.

Nagkakahalaga ng P86.684 milyon, ang mga sibuyas, na nakalagay sa 72,215 bags, ay galing ng China.

Nakipag-ugnayan si MICP District Collector Geoffrey K. de Vera sa Bureau of Plant Industry-Department of Agriculture (BPI-DA) at dito nalaman na may import permits ang shipment pero nabigo ang consignee na mailabas ang kargamento sa Customs.

***

Tingin natin dadami pa ang fake news at disinformation sa social media habang papalapit ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.

Kaya kailangan ng gobyerno ay agad na pabulaanan ang mga ito para hindi malinlang ang taumbayan.

Hindi lang ‘yan. Dapat kilalanin ang mga nagpapakalat ng fake news at kasuhan sa korte.

Magagawa ito ng gobyerno dahil may sapat silang kapangyarihan para papanagutin ang mga lumalabag sa batas.

Kailangan ng gobyerno ng “political will” para matigil na ang mga fake news.

Dapat na mayroong ahensiya ang tanging trabaho ay i-monitor ang social media.

Magagawa ito ng mga taga-Malakanyang, Camp Crame, NBI at iba pang state agencies.

Huwag natin pabayaang lokohin ang sambayanang Filipino!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa 0917-8624484.)

Comments are closed.