Banner Before Header

Para kay Speaker Martin, tuloy lang ang trabaho

3,264
Magandang araw sa lahat ng ating mambabasa. Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Lorna Pangan Tadokoro, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Chato Coronel, Aimi Houchii, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata, ang kaibigan ng mga Pinoy sa Japan.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFWs natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

***

Papalapit sa pagsisimula ng ika-4 na taon ni Pangulong Marcos sa Hunyo 30, maraming isyu ang kinakaharap ng kanyang administrasyon.

Nandiyan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ang ICC trial ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Nandiyan din ang US-Israel war laban sa Iran, labanan sa pagka-Pangulo ng Senado at pagsirit pataas ng presyo ng mga bilihin sa lokal na merkado.

Malaking sakit ng ulo rin ang patuloy na problema sa iligal na droga.

Kahit nalansag na ang mga shabu laboratories sa bansa ay patuloy pa rin ang smuggling ng iligal na droga.

Ang maganda lang ay hindi dahilan ang mga ito para mag-slowdown ang socio-economic development sa bansa.

Lalo na at meron na lang dalawang taon na natitira sa anim na taong termino ni Pangulong Marcos.

Kaya maganda na tuloy-tuloy ang implementasyon ng mga programa at mga proyekto ng administrasyon.

Mabuti rin at nandiyan si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para mabilis na maipasa sa Kongreso ang mga ‘legislative agenda’ ni Pangulong Marcos.

Ang maganda lang din kay Speaker Romualdez, isa siyang “Action Man.”

Hindi siya mahilig magpakitang gilas dahil alam naman ng marami na “low profile” na lingkod–bayan si Cong. Martin.

Ang gusto lang niya ay makatulong  sa administrasyon ng  kanyang pinsan na si Pang. Bongbong Marcos.

Sa totoo lang, hindi ugali ni Speaker Romualdez na “umepal” dahil alam naman ng marami na malaki ang naitutulong niya sa administrasyon.

Sa tingin natin ay nai-insecure lang ang kanyang mga kritiko dahil sa kanyang mga nagagawa.

Para kay Speaker Romualdez, tuloy lang ang trabaho.

***

Nagsisimula na ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila.

Hindi naman lingid sa publiko na isang flood-prone area ang buong National Capital Region (NCR).

Sa totoo lang maraming lugar sa bansa ang below sea level.

Ang masakit, marami pa rin sa atin ang patuloy na nagtatapon ng mga basura sa mga daluyan ng tubig.

Kahit araw-araw alisin ang mga basura ay patuloy pa rin ang pagtatapon ng iba’t ibang klaseng dumi.

Pati hindi nabubulok na bagay, kagaya ng plastic, ay itinatapon kung saan-saan.

Kaya kapag malakas ang ulan ay tinatangay ng agos ang mga basurang ito sa drainage canal, ilog, sapa at iba pang daluyanng tubig.

Walang disiplina ang marami sa atin, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog.

Hindi na ba talaga tayo natuto?

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484).

Comments are closed.