NAGBUKAS ang ‘PHILIPPINE EXPO 2025’ nitong Hunyo 6 sa Ueno Park, Tokyo Japan, sa temang ‘Friendship and Goodwill between Japan and the Philippines’ na tatagal naman hanggang Hunyo 8.
Ang taunang expo ay “Para sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Japan at Pilipinas, ang Dalawang Bayang Pandagat ay Nagkakaisa sa Puso.”
Sa kanyang mensahe, sinabi ni HE Mylene Garcia-Albano, Philippine Ambassador to Japan ang ganito:
“This annual gathering continues to be a living showcase of how Filipino culture thrives beyond our shores.
“It is an opportunity to reflect on what it means to be Filipino in a globalized world, where our traditions, creativity, and stories find new expressions and connections.
“As we engage with our Japanese hosts and international guests, we reaffirm not only our cultural identity but also our sense of community and pride.”
Sa ating panig, binabati natin ang bumubuo ng taunang ‘Filipino Expo,’ lalo na kina Hiroshi Katsumata at Lorna Pangan Tadokoro na laging nakaalalay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan.
Binabati rin natin sina:
Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan,La Dy Pinky, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Patricia Coronel.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan. God Bless!
****
Kagaya ng mga importador, malaki ang papel na ginagampanan ng mga customs broker sa Aduana.
Sa totoo lang, sila ay kabilang sa mga tinatawag na ‘unsung heroes’ ng ating bansa.
Kagaya nila ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na malaki ang naiaambag sa pambansang ekonomiya.
Ang mga OFW ay nagtatrabaho para sa kanilang mga mahal sa buhay o pamilya.
Hindi alam ng maraming tao, hindi lang ang importador ang tinutulungan ng isang customs broker.
Tinutulungan din ng mga matitino at responsableng customs brokers ang gobyerno para lumaki ang perang papasok sa kaban ng bayan.
Kagaya ng iba pang propesyon, may mga brokers din na “naliligaw ng landas.”
Pero sa tingin natin ay karamihan ng customs brokers ay nasa puso pa rin ang pagmamahal sa bayan.
“The men and women in customs broker uniform play a stellar role in the nation’s socio-economic development,” ayon pa sa obserbasyon ng isang opisyal sa Bureau of Customs.
Tama ba, Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio?
(Para sa inyong komento at pagbati mag-text sa +63 9178624484; email: philipreyes08@yahoo.com).
Comments are closed.