KATATAPOS pa lang ng ‘Collectors’ Conference’ ng Bureau of Customs na ginanap kamakailan sa Cebu kung saan muling hinikayat ni Commissioner Ariel Nepomuceno ang kanyang mga opisyales na sumunod, makiisa, sa kanyang isinusulong na reporma para sa ahensiya.
Sa ngayon, dalawang mataas na opisyal ng Aduana ang natanggal na sa puwesto at ‘muntik namang napaaga ang ‘early retirement’ ng isang opisyal sa Customs Police dahil “pasaway” at ayaw sumunod sa kanyang utos.
Naglabas din ang Customs ng pahayag ng pakikiisa sa laban ng taumbayan laban sa katiwalian na bagaman may mga bumatikos– “pareho” lang naman daw ang BOC sa DPWH—mayroon din namang sumuporta dahil kilala nila ang pagkatao at determinasyon ni Comm. Ariel na linisin ang kanyang ahensiya.
Pero, sadya yatang may mga opisyal na “manhid” na sa pagbabago? May nagreklamo kasi sa atin na sa isang ‘collection district’ sa Mindanao, “tuloy” pa rin ang ‘enrollment’ sa mga importer kung saan hinihingan sila ng P50,000 para sa ’40-footer van’ at P40,000 para sa ‘20-footer van,’ talaga rin naman!
Hmm. Alam kaya ng district collector ang ganitong “kamada” ng kanyang ‘Chief of Assessment?’ Ahh, ‘Boss Joey Boy,’ are you still there, hehehe!
Sa iba namang puwerto, ‘20 to 30 percent’ ang sinisingil na ‘OT’ (overtime) ng Assessment kahit “parehas” ang transaksyon patunay ang ‘L/C’ (letter of credit) mula sa bangko.
Kinukuha ang porsiyento sa diperensiya ng ‘reference value’ galing sa ‘IAS’ (Import Assessment Service) at sa aktwal na bayad sa kargamento batay sa L/C ng bangko. Karamihan dito ay mga ‘bulk shipments’ katulad ng bakal, semento, etc.
Kumbaga, ginawang ‘tara reference’ ang ‘IAS reference value,’ hehehe! Alam din kaya ito ng district collector?
Samantala, nasa peligrong makasuhan ang ilang pasaway na operatiba ng CIIS dahil para pagtakpan ang kanilang ‘illegal raid’ sa Bulacan nitong Hulyo, ipinipilit na nangyari ito noong Hunyo, bago dumating si Comm. Ariel.
Kapag “minalas,” pati si district collector na mukhang naniwala sa bersyon ninyo, madadamay sa kasong ‘perjury’ at ‘coverup’ at masisibak din sa puwesto.
Abangan!


Comments are closed.