Banner Before Header

“Serbisyong Isko,” babalik na sa Maynila!

4
“ITINAKDA” na, hindi na mapipigilan pa: Mangyayari ang nais ng Manilenyo, ito ay maibalik sa kanila ang totoong serbisyo ng gobyerno.

Batay sa lahat ng survey– mula sa OCTA Research, Pulse Asia, Social Weather Station, at maging ang Kalye Survey, nangingibabaw si Yorme Isko.

Ang pulso at puso ng Manilenyo tumitibok sa sigla sa pagbabalik ni former Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at may bonus pang magaling na vice mayor Chi-Chi Atienza kasama ang buong tiket nila sa Konseho, ang ‘Yorme’s Choice.’

Isa pang “patotoo” sa pagbabalik ni Yorme ay ang huling Tangere mayoral survey kung saan 51 porsiyento ang suporta sa kanya ng mga botante ng Maynila.

Nito lang Abril 19-20 ginawa ang survey sa 1,500 respondents kung saan 37 porsiyento lang ang pumabor kay Mayora Honey Lacuna at 10 porsiyento lang kay Sam Verzosa.

Hindi na nakapagtataka na mas gusto ng mga Batang Maynila voters si Isko, sabi ng Tangere  and Acquisition Apps, Inc.

Eto ang banggit: “Political analysts believe his popularity stems from his earlier tenure as mayor, during which he earned praise for infrastructure projects and urban cleanup initiatives.”

Ang masakit, ang iniwang mabango, malinis at epektibong gobyerno na nadarama ng Manilenyo ay nawala sa ilalim ni Lacuna.

Nakita naman ng publiko, naging dugyot ang Maynila, at ang mga serbisyong nararamdaman at nagbibigay ginhawa ay nawala.

Kaya tumalab sa sentido kumon ng Manila voters ang campaign slogan ni Yorme Isko, at ito iyon: “Yorme Isko, Balik Serbisyo.”

Nais ng mga botante na maibalik ang epektibo, episyente, maasahan at mapagkalingang serbisyo na naranasan noong panahon ng pandemya, at ang naramdamang lingap noong panahon na walang trabaho at kaligtasan sa banta ng pagkagutom.

Ayon pa sa Tangere, kaya mas pabor na makabalik si Yorme kasi ay mistulang tumigil ang pag-unlad ng Maynila sa panahon ni Ate sa Cityhall.

Eto ang sabi: “Meanwhile, Lacuna faced the challenge of defending her record amid criticisms of slowing momentum in some of Moreno’s flagship programs.”

At kay Verzosa naman: “Verzosa, a newcomer in local politics, has yet to make significant headway despite his national profile.”

Kapwa hindi nagmarka sa puso at isip ng Manilenyo ang ginawang gimik, pabida at paninira ng dalawa laban kay Yorme Isko.

Hindi lang nagpabaya si Ate ng Cityhall, pati ang mga kasama niya, mga pinagkatiwalaan, hindi na nagserbisyo, nagbigay pa ng perwisyo.

Ayaw na ng Manilenyo sa amoy ihi at amoy ebak na kapaligiran, kaya nga, sa unang araw ni Yorme, todong paglilinis ang gagawin ng Yorme’s Choice.

Yung nagkalat na “tolongges” sa loob at labas ng Cityhall, “Atin pong kakaliwitin,” sabi ni Isko, at tuwing babanggitin niya ito., ang dagundong palakpakan at sigaw na “Babalik na si Yorme!” ay pumupuno sa kanilang mga political rally.

Mawawala na ang perwisyo sa Cityhall.

Babalik na uli ang Serbisyong Isko.

At para mangyari ito, muli ang pakiusap ni Yorme Isko, itodo na ang pagboto: walang iiwan kahit isa sa mga kandidato ng Yorme’s Choice.

Upang maibalik na ang matinong “Balik Serbisyong Isko!”

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.