Banner Before Header

Speaker Martin hindi papayag na mapahamak si PBBM

7,171
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa Japan at Oman. Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.

Sa Japan, binabati natin ang ating mga kababayan na sina: Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata, ang isa sa nga iginagalang na kaibigan ng mga Pinoy sa Japan.

Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFWs natin sa Oman.

Mabuhay kayong lahat!

***

Labing-isang tulog na lang eleksyon na naman sa Pilipinas.

Pero may oras pa naman tayo para siguruhin na ang mga iboboto natin ay mga karapat-dapat na tulungan.

Kagaya na lang nang mga kandidatong sinusuportahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

May assurance ba na hindi sila magpapalit ng “political color” pagkatapos ng May 12 election?

Huwag nating kalimutan na hindi kailangan ni Pangulong Marcos ang mga“destructive” na kritiko.

Ang kailangan niya sa nalalabing tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay “constructive critics.”

Sila ‘yung mga taong pupuna para mapaganda ang government service at hindi para pabagsakin o pahinain ito.

Baka naman kasi pagkatapos ng eleksyon ay biglang “bumaligtad” ang mga kandidatong tinutulungan ngayon ni PBBM?

Kaya kailangang tumulong si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para kilatising mabuti ang mga kandidatong sinusuportahan ng administrasyon.

Kung sabagay, siguradong hindi papapayag si Speaker Romualdez na mapahamak ang pinsang si Pangulong Bongbong Marcos.

Ngayon palang kasi ay marami na ang nagsasabing pagkatapos ng May 12 elections ay magsisimula na ang ‘realignment of political forces.’

Ito ay paghahanda naman para sa 2028 presidential elections.

Alam naman natin na lantarang sinasabi ng kampo ng mga Duterte na tatakbo sa pagka-Presidente si Vice President Sara Duterte sa 2028.

Ang problema lang, baka ma-impeach siya sa Senado at goodbye na sa kanyang ambisyon na maluklok sa Malakanyang.

Kapag na-impeach siya ay hindi na siya puwedeng humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

Isa pa, baka matuloy ang mga kasong kakaharapin niya International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Hindi biro ang mga problema ngayon ni VP Sara.

‘Yan ang sakit ng ulo ng mga taga-sunod ni dating Pangulong Duterte na detenido ngayon ng ICC.

***

Mabuti na rin at babalik na sa buwan ng Hunyo ang pagbubukas ng mga klase sa buong bansa.

Kaya balik din sa Marso ang pagtatapos ng tinatawag na school calendar.

Balik rin ang dalawang buwang school vacation ng mga mag-aaral.

Pabor ito sa mga bata at magulang.

Mae-enjoy nila ang summer vacation nang matagal-tagal.

Ang problema lang ay mas magastos ito dahil gusto syempre ng mga bata na mamasyal kung saan-saan.

Okay lang ito sa mga may pera, pero bangungot naman sa mga magulang na walang-wala.

Gusto man nilang pagbigyan ang mga anak, hindi naman puwede.

Pambili nga lang ng bigas at ulam madalas ay wala.

Nagtitiyaga na lang silang maligo sa malapit na ilog at mamasyal sa public plaza.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa +63 9178624484)

Comments are closed.