Banner Before Header

‘Barangay Isko’ inilunsad na sa Calabarzon!

0 836
PORMAL na inilusad sa San Pablo City, Laguna, araw ng Huwebes, Agosto 26, 2021, ang ‘Barangay Isko,’ isang organisasyon na nagsusulong sa kandidatura ni Manila mayor, Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, bilang pangulo ng Pilipinas.

Sa live broadcast ng okasyon na ginanap sa Palmera, Bgy. San Rafael, pinangunahan ni Laguna Board Member at Barangay Isko national secretary general, Jun Zuniga, ang panunumpa ng mga bagong kasapi ng nasabing samahan.

Batay pa rin sa programa, kasabay na inilunsad ang samahan sa katabing lalawigan ng Batangas sa pangunguna naman ni John Bryan Diamante, Barangay Isko Political Affairs Officer at Batangas Lead Convenor. May katulad ding programa na ginanap naman sa Dolores, lalawigan ng Quezon.

Sa kanilang panunumpa, sinabi pa ng mga dumalo na “sisimulan” na nilang “himukin at organisahin ang libo-libo naming kapwa lingkod-barangay sa buong bansa upang sumama sa aming krusada.”

Matatandaan na kamakailan ay naihalal na pangulo ng partidong ‘Aksyon Demokratiko’ si Moreno, bilang paghahanda sa kanyang kandidatura.

Leave A Reply