MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa Japan. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan. Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Aimi Houchii,
La Dy Pinky,Patricia Coronel, Lorna Pangan Tadokoro, Chato Coronel, Endo Yumi, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, Roana San Jose at si Hiroshi Katsumata, na laging naka-ayuda sa mga Pinoy dyan sa Japan.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.
***
Una sa lahat, binabati muna natin si Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang bagong Commissioner ng Bureau of Customs.
Si Nepomuceno ang namumuno sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDTRMC) bago ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos nito lamang Hunyo 30, 2025.
Hindi na bago sa Aduana si Commissioner Nepomuceno. Dati na siyang nanilbihan sa BOC bilang deputy commissioner ng Enforcement Group mula 2013 hanggang magbitiw siya noong 2017.
Nakasisiguro tayo na kayang-kayang patakbuhin ng maayos ni Comm. Ariel ang BOC dahil sa malawak niyang karanasan sa BOC.
Matatakot na rin sigurong gumawa ng kalokohan ang ilang tiwaling empleyado at opisyal ng BOC.
Maliwanag ang utos ni Pangulong Marcos na linisin ni Comm. Ariel ang BOC at itigil na ang mga katarantaduhang nangyayari sa ahensiya.
Muli, Mabuhay ka Commissioner Nepomuceno!
***
Nagsisimula na ang malalakas na pag-ulan at hindi naman lingid sa publiko na isang flood-prone area ang Metro Manila.
Sa totoo lang, maraming lugar sa bansa ang below sea level.
Ang masakit, marami pa rin sa atin ang patuloy na nagtatapon ng mga basura sa mga daluyan ng tubig.
Kahit araw-araw alisin ang mga basura ay patuloy pa rin ang pagtatapon ng iba’t ibang klaseng dumi.
Kahit mga hindi nabubulok na bagay, kagaya ng plastic, ay itinatapon kung saan-saan.
Kaya kapag malakas ang ulan ay tinatangay ng agos ang mga basurang ito sa drainage canal, ilog, sapa at iba pang daluyang tubig, na dahilan para magbara at magresulta sa malawakang pagbaha.
Walang disiplina ang marami sa atin, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog.
Hindi na ba talaga tayo matututo?
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
Comments are closed.