Banner Before Header

Comm. Nepomuceno: Ibalik ang integridad, tiwala ng publiko sa BOC

5,472
SA isang makabuluhang hakbang na naglalayong muling buuin ang integridad at tiwala ng publiko sa Bureau of Customs (BOC), naglabas si Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng memorandum noong Hulyo 10, 2025, “prohibiting all officials, employees, and personnel from holding any business or financial interest in Customs Brokerage operations.”

Ang utos ay umaayon sa apela  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mabuting pamamahala at bahagi ito ng pinalakas na mga hakbangin ng ahensya upang maiwasan ang “conflict of interest” at pahusayin ang “transparency” sa loob ng ahensiya.

Sa pahayag, sinabi pa ni Comm. Nepomuceno na ito ay bahagi ng kanyang layunin tungo sa “institutional integrity” para sa ahensiya.

“This goes beyond mere policy. It represents a public affirmation that the Bureau of Customs will not accept behaviors that foster corruption, favoritism, or undue influence. We are prioritizing the public’s interest over individual profit.”

Kaugnay nito pinuri ng mga stakeholders ang aksyon ni Commissioner Nepomuceno.

Magandang hakbang ito, marami kasing mga empleyado at opisyal ng BOC ang nagbo-broker na rin.

Ang nangyayari tuloy ay naaagawan pa nila ng kargamento ang mga lehitimong brokerage companies. Masakit di ba?

***

Kumbaga sa basketball, nasa last “3 minutes” na ang administrasyon ni PBBM.

to na ang panahon na kailangang ipasok na ng Pangulo ang lahat ng mga taong maasahan niyang makatutulong sa administrasyon.

Ayon sa ating Saligang Batas, ang Marcos government na nagsimula noong 2022 ay magtatapos sa Hunyo 30, 2028.

Kaya tatlong taon na lang si Pangulong Marcos sa Malakanyang.

Sa huling taon ng Marcos administrasyon, abala na ang mga tao dahil parating na ang May 2028 presidential polls.

Mula June 30, 2025 hanggang June 30, 2027 ay kailangang makumpleto na ang lahat ng priority projects at programs ng gobyerno.

Tama ang desisyon ni Pangulong Marcos na magtalaga na ng mga bagong government officials.

Nandiyan sina Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno at Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office (PCO).

Pinalitan ni Comm. Ariel si Comm. Bienvenido Y. Rubio, samantalang si Gomez ang pumalit kay Jay Ruiz.

Nakita siguro ng Palasyo na lalong gaganda ang performance ng dalawang ahensya kung may mga bagong liderato.

Kaya hindi puwedeng pa-easy-easy ang mga bagong talagang opisyal.

Kagaya ng sinasabi natin, pagdating ng huling taon ni Pangulong Marcos sa Malakanyang ay puro politika na ang pag-uusapan.

Diyan na rin magsisimula ang realignment ng political forces sa bansa.

Marami na diyan magpapalit ng political color.

Masakit pero ‘yan ang realidad pagdating sa politika sa Pilipinas.

****

Sa Hulyo 28 (Lunes), ang pang-apat na state-of-the-nation address (SONA) ni PBBM na kanyang ide-deliver sa joint session ng 20th Congress.

Inaasahang si Speaker Romualdez (pa rin) ang aaktong isa sa dalawang presiding officer ng joint session.

Para sa karamihan, “unbeatable” pa rin si Speaker Romualdez.

Ito ay kitang-kita sa dami ng pumirma sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.

Dito ay kitang-kita na solido ang liderato ni Speaker Romualdez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang hindi natin sigurado ay kung si Senate President Chiz Escudero pa rin ang kasama ni Romualdez bilang presiding officers.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

Comments are closed.