Banner Before Header

‘Command Responsibility’

8,007
PORMAL nang nagbitiw si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan dahil na rin sa kahindik-hindik na mga anomalya sa ating mga ‘flood control projects.’ Papalitan naman siya ni Transportation Secretary Vince Dizon, ayon na rin sa Palasyo.

Nag-resign si Secretary Bonoan hindi dahil siya mismo ay sabit sa mga ‘kickbacks’ na nagpayaman sa ating mga mambabatas, mga kasabwat nilang kontraktor at mga korap sa DPWH. Ayon na rin kay PBBM, nag-resign si Secretary Bonoan dahil sa isyu ng ‘command responsibility.’

Kumbaga, “inako” ni Secretary Bonoan ang responsibilidad—hindi katulad ng ilang mga senador at kongresista na pulos “hugas-kamay” ngayon sa mga anomalyang sila rin naman ang may gawa at kung saan mga ordinaryong nilalang na katulad natin ang nagpapasan ng nagresultang perwisyo.

“Tinalo” rin ni Secretary Bonoan ang ilan pang miyembro ng Gabinete, partikular sa ating ‘national security cluster’ na mga “pakialamero” pagdating sa usapin ng ating ugnayang panglabas (‘foreign relations’), katulad nitong si DND Secretary Gilberto ‘Gibo the Maltese’ Teodoro, PCG Commodore Jay Tarriela at AFP Chief General Romeo Brawner.

Naniniwala tayo na ang kanilang mga pagiging sagad na mga “tuta” ng ‘Tadong Unidos ay magdadala sa atin sa mas malaking kapahamakan at trahedya sa ikinakasa ng mga Kano na giyera laban sa China—kung saan mga Pinoy ang mamamatay at masasakripisyo— bilang mga ‘proxy’ katulad ng dinaranas ngayon ng Ukraaine.

Hindi katulad ni Secretary Bonoan, naniniwala tayong ibibintang lang ng mga opisyal na ito ang ano mang kapahamakan na ibubunga ng kanilang pagiging papet ng Imperyalismong Kano.

At nakikita na natin ito ngayon pa lang. Hindi ba tinatawag nilang mga “duwag,” walang pagmamahal sa bayan at mga “traydor” ang sino mang kumukuwestyon sa kanilang mga pakana upang palakihin ang sigalot natin sa China?

Mga pakana na sila lang ang may gusto at walang kinalaman ang mga ordinaryong Juan dela Cruz na katulad natin, tama ba, dear readers? Aber, sila lang ba ang may “monopolyo” ng patriotismo at mga may “utak” na nag-iisip sa bayan natin?

Sabagay nga, sa mga taong konti lang ang prinsipyo, hindi “uso” sa kanila ang ‘Command Responsibility.’

Kawawang Juan dela Cruz, kawawang Pilipinas, hays!

Comments are closed.