MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia. Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Winger dela Cruz, Glenn Raganas, Mama Aki ng Ihawan, Endo Yumi, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Josie Gelo, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata na patuloy na naka-agapay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Tino Belen, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God Bless!
***
Marami ang naniniwala na sinsero si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R, Marcos Jr sa kanyang hangaring matigil ang korapsyon.
Ito nga ang dahilan kung bakit niya binuo ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) pagkatapos niyang ibulgar ang mga maanomalyang flood control projects.
Ang masakit, may mga “destructive critics” pa rin na nagsasabing palabas lang ang ginagawang imbestigasyon ng ICI.
Unfair naman ito sa ICI at kay PBBM na umani ng masigabong palakpakan dahil sa kanyang pamosong “Mahiya naman kayo” speech sa kanyang SONA noong Hulyo.
Ang pinaparinggan niya siyempre ay ang mga sangkot sa mga maanomalya at “ghost flood control projects” sa ibat-ibang parte ng bansa.
Sa totoo lang, pabayaan muna nating magtrabaho ang ICI bago natin sila husgahan.
Naniniwala tayo na hindi bibiguin ng ICI ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng administrasyong Marcos.
Hindi matatawaran ang kakayahan ng mga bumubuo ng ICI para gampanan ang kani-kanilang tungkulin.
Ang kailangan lang ay suportahan natin ang ginagawa ng ICI at huwag batikusin dahil lang sa politika. Walang mangyayari sa atin kung pulos pambabatikos ang ating gagawin.
***
Tigilan na ang panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Marcos.
Bakit ba gusto ninyong mawala sa puwesto si PBBM eh, kasalukuyan nga siyang“naglilinis” sa gobyerno?
O baka naman takot lang kayo sa Pangulo dahil lahat ng sangkot sa mga kalokohan sa gobyerno ay gusto niyang maipakulong.
Kaya nga lahat ng mga anomalya sa gobyerno ay kanyang pinabubusisi.
Maging ang mga nangyari noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay bubusisiin.
Nandiyan ang Pharmally scandal na inimbestigahan noon ng Senado.
Ang masakit kasi, nangyari ito noong panahon na pinapahirapan tayo ng pandemya. Mantakin niyo, lugmok na tayo, ninanakawan pa.
Kaya nga hindi na tayo nagtataka kung bakit may mga nagmamadali ngayong matanggal sa puwesto si PBBM. Ano sa palagay niyo?
***
Marami sigurong sumasakit ang ulo na hepe ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Takot sila na mapag-initan ni PBBM dahil hindi nila nagawa ang mga dapat nilang gawin sa taong ito.
Pero sa tingin natin, kampante naman si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Alam nilang mami-meet nila ang kanilang revenue target sa taong ito.
At nandiyan pa ang mga proceeds ng mga gagawin nilang public auctions ng mga abandoned at confiscated goods.
Kasama sa isusubasta ng BOC ang mga luxury vehicles ng mga Discaya.
Ang iba namang kumpiskadong gamit at pagkain ay ibibigay ng ahensya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maipamahagi sa mga biktima ng mga kalamidad na nakatira ngayon sa mga evacuation centers.
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email: philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).


Comments are closed.